Ang Pagtakas ni Juana sa Mga Aswang ng Nakaraan
Poster by Christopher Domingo |
by Eir Diaz & Uriel Molina
Ang Pagtakas ni Juan sa Mga Aswang ng Nakaraan by Eir Diaz & Uriel Molina
Si Juan ay isang superhero. Walang siyang ibang hinangad kundi ang iligtas ang mga tao sa kasamaan- ang mga aswang. Gamit ang hiyas na binigay sa kanya ng isang misteryosong lalaki, susugpuin niya ang mga aswang sa bayan ng Davao… Ang Pagtakas ni Juan sa Mga Aswang ng Nakaraan ay tungkol sa pagkakahuli kay Juan dahil siya ay isang vigilante na kinasuhan ng multiple murders ng Aswang Rights Association. Sa nais niyang hindi makulong, handa si Juan ihayag ang nalalaman niya… ngunit ano nga ba ang katotohanan?
List of Characters
(Lead) Juan de la Penduko – Cruz - An ex-superhero pursued by the
government.
(Lead) Agent Alegre - An agent of NBI assigned to the de la Penduko – Cruz
case.
(Support) Carla Alegre - Agent Alegre’s younger sister who was allegedly killed by
JdlP-C.
(Support) Bossing - JdlP-C’s unnamed boss depicted as
a man in a barong with shades on. (Voice over)
(Support) Extras - Aswangs, Airport Security, Aswang
RightsAssociation members (Can be played by a person or two)
Scene 1
SFX: https://www.youtube.com/watch?v=brg-xb2Hjc8
LFX: Fade in
Setting:
It is afternoon and we are at an airport. It is a rather lax day
as compared to its usual days.
At Rise:
Juan/Juan de la Penduko – Cruz
walks across the stage with a duffle bag. He/she sits on a chair until
he/she hears the announcement to board his/her plane. He/she looks very
anxious. He/she is trying to run away from this country.
Announcer (Voice over)
Thank you very much for waiting.
Passengers of Flight PA2075 please come forward for boarding.
Juan
(Stands up and prepares to leave when he/she is suddenly
surrounded by airport security with Agent Alegre in the Center)
A
- Ano to?
Agent Alegre
Juan de la Penduko – Cruz, may warrant
of arrest ka sa pag-patay kay Carla Alegre.
(Nods to his men to detain Juan/Juan)
Paalala lamang na may karapatan kang
hindi magsalita. Anumang sabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa lahat
ng Korte sa Pilipinas. May karapatan kang pumili ng sarili mong abogadong may
kakayahan at malaya. Kung hindi mo kayang bayaran ang serbisyo ng isang
abogado, maglalaan ang gobyerno ng isa para sa iyo.
Juan
H -Ha? Di ako yun! Wala akong ginagawang
masama! Anong pinagsasasabi mo? Bitiwan ninyo ako wala akong kasalanan!
(Juan gets dragged by the airport security out to stage right)
LFX:Fade Out
Scene 2
SFX: https://www.youtube.com/watch?v=BL8B_yh2iJs
LFX: Fade In
Setting:
Inside an interrogation room at the NBI office.
At Rise:
Juan/Juan is seated on a chair with a table in front of him/her.
There is an empty chair on the other side of the table. Juan/Juan’s hands are
cuffed. Agent Alegre enters with a door opening and closing sound and sits
across from Juan/Juan. Juan/Juan looks at Agent Alegre, scared.
Juan: Inosente ako. Hindi ko alam kung bakit dinakip ninyo ako pero
inosente ako.
Agent Alegre: (Takes the seat across from Juan/Juan
and takes no notice of what Juan/Juan said) Paalala lamang na May karapatan kang
hindi magsalita. Anumang sabihin mo ay maaaring gamitin laban sa iyo sa lahat
ng Korte sa Pilipinas. May karapatan kang pumili ng sarili mong abogadong may
kakayahan at malaya. Kung hindi mo kayang bayaran ang serbisyo ng isang
abogado, maglalaan ang gobyerno ng isa para sa iyo. Naiintindihan mo ba ang mga
karapatang ito?
Juan: Walang katotohanan ang mga binibintang sa akin. Hindi ako si Juan
Penduko de la Cruz!
Agent Alegre: Sige. Ipaliwanag mo ito. (Agent
Alegre proceeds to show pictures and documentations of Juan’s vigilante
missions murdering aswangs) Gusto mo pa rin ba ipagpatuloy ang itong
lokohan na ito? O gusto mo na bang umusad itong tanungan natin?
Juan: … Okay. Nahuli niyo na ako. Ako si Juan Penduko.
Agent Alegre: Ayan. Mabuti. Sumunod ka lang at mabilis lang ito matatapos.
Ngayon, ang alegasyon sayo ay ikaw ang pumatay sa isang “Karla Alegre”, dating
lider ng ARA or Aswang Rights Activists, na isang aswang. Totoo ba ito?
Juan: Opo.
Agent Alegre: At ikaw ba ang vigilante superhero na pumatay sa mgaiba’t ibang aswang
sa taong ito?
Juan: Opo, ako nga yung superhero na yun.
Agent Alegre: At kalian to nagsimula?
Juan: . . . Nagsimula lahat nung nakaraang taon.
[FLASHBACK BEGINS]
(Juan/Juan and Agent Alegre freezes. The lights turn to red and
changes focus to stage left where a tableau of a woman that’s pregnant being
attacked by an Aswang is already set. A scream for help is heard and Juan/Juan
stands up from his/her seat to come between the woman and the aswang. A
re-enactment of Juan/Juan’s heroics ensue.)
Lumayo kang aswang ka!
Aswang: (hisses) Yan Ngababang ay pasok ak teritoryo.
Awa ngapa nasasaoknapa ak teritoryo awa malapa ti bubuakyanan. Nagugutom nga
supling ngalaki ngang kaon.
[Yang babaeng yan ay pumasok sa
teritoryo ko. Wala pang nakakapasok sa teritoryo ko at wala pang nabubuhay na
nakakalabas dito. Gutom na mga anak ako. Kailangan ng pagkain.]
Juan/Juan: Tumahimik ka! Hindi mo ako matatakot sa mga sinasabi mo!
Maghanda ka na aswang!
Aswang: (Aswang prepares to
fight) Sa Lutipa! [Ako si Lupita!] (Fight
scene where Aswang fights Juan/Juan and ultimately dies.) Kalaya… Gutangan…
[Aswang’s Children’s names]
Juan:
(Helps the pregnant woman up) Ma’am
mag-ingat ho sana kayo. Itong mga eskenitang ito ay pinagpupugaran ng mga
aswang. Lalo na ho’t gabi na.
Pregnant Woman: Ay nako maraming salamat ho! Hindi ko ho talaga alam ang gagawin
ko. Mga salot talaga ng lipunan yang mga aswang na yan! Hindi na talaga sila
dapat mabuhay. Hay Ma’am/Sir salamat po talaga. May pamilya pa po akong
naghihintay sa akin… kung maaari’y uuwi na ho ako.
Juan: Ay oho Ma’am! Sige po. Magandang gabi! Ingat ho kayo.
(After the woman exits, Juan/Juan goes back to his/her seat in
their last position with Agent Alegre resuming their conversation.)
[FLASHBACK ENDS]
Juan: Noon, wala akong ibang hinangad kundi iligtas ang mga tao mula
sa mga aswang. Naniwala ako sa mga sinabi ng babaeng yun. Ang mga aswang talaga
ang salot sa lipunan natin. Ngayon…
(Agent Alegre’s face changes a bit, but is unnoticeable.)
Agent Alegre: -Ngayon meron din ditong alegasyon ng Asawang Rights Association
o ang ARA na may umuutos sayo para pumatay ng aswang? At meron pa… Ikaw raw ang
pumatay kay Karla Alegre – ang lider nila.
Juan: (Juan contemplates on the truth of these
charges and wonders about the true intentions of the agent.) … Teka. Totoo ba nakapagpasa ng charges
ang ARA sa akin at tinanggap ng gobyerno?
Agent Alegre: Ang trabaho ko lamang ay magtanong upang mapaliwanag ang mga
alegasyon na ito sayo. Kung totoo man o hindi ang mga alegasyon na ito, yun ang
kailangan ko malaman mula sayo.
Juan:
Di ako makapaniwala. Ayaw ko. Ayaw ko magsalita.
Agent Alegre: Wala ka sa posisyon ngayon para tumanggi sa sitwasyon mo ngayon.
opisyal ang warrant of arrest namin, at sa mga mata ko, opisyal ang mga
dokyumento na to. Gusto mo pa bang basahin?
Juan: ...
Agent Alegre: Katulad ng sabi ko kanina, sumunod ka at mabilis din itong
matatapos. Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. Totoo ba ang alegasyon sayo ng ARA
na may umuutos sayo para pumatay ng mga aswang?
Juan: … Opo.
Agent Alegre: At sa kanya mo ba nakuha ang kakayahan upang makipaglaban sa mga
aswang? (Alegre presents to Juan her
confiscated Hiyas)
Juan: Opo. Sa kanya.
Agent Alegre: Maari mo bang ipaliwanag ito?
[FLASHBACK BEGINS]
(Light changes to show the flashback. 2 to 3 aswangs lying on
stage left with some innards. Underneath the innards is a grocery bag and a
Monterey plastic bag. One aswang is ready to protect the others while holding a
child aswang. Juan/Juan stands in the middle of the stage with a piece of
paper.)
Bossing: (Voiceover) Patayin
mo silang lahat. Handa kaming makipagtulungan sa iyo. Ibinigay naming sa iyo
ang kapangyarihan ng Hiyas upang makipaglaban sa mga aswang. Ibingay na naming
sa iyo ang listahan ng mga aswang. Wag ka maawa. Alalahanin mo, mamamatay tao
silang lahat.
Juan: (Nods, prepares the Hiyas and goes to
position ready to fight the aswangs)
Bossing: At isa pa.
Juan: Yes sir?
Bossing:Wag na wag mo sabihin na ako ang umuutos sayo. Lahat ito
ginagawa natin para sa masa, ngunit kailangan manatili malinis ang aking
pangalan para hindi mapabigyan ang kalaban ng paraan upang makaganti.
Juan: (Juan nods once more and proceeds to fight the aswangs)
Aswang Mother: (Angry and scared for her life and her
child’s life) GAW! (Tries to attack) GAW! (She is killed by Juan. Her baby falls to
the grounds and starts crying… her dying breath while trying to reach out for
her child) Gaw… op…
Juan: (Kills the baby mercilessly, but feels
remorse.Juan sheepishly returns to her seat.)
[FLASHBACK ENDS]
Yung mga aswang na yun ay siguradong
pumapatay ng mga tao para makakain. Ayoko talaga gusto ang manakit ng kapwang
inosente pero nakakapinsala na sila ng iba…
At oo iniutos din ito sa akin. Sana
maintindihan ninyo… Kaya nga umalis na ako.
Agent Alegre: Hmm. I see.
Juan: Mister/Miss Agent. May tanong ako.
Agent Alegre: Kian/Kiana.
Juan: Ano?
Agent Alegre: Agent. Kian/Kiana. Yun ang itawag mo sa akin.
Juan: Agent Kian/Kiana… Tama ba yung mga ginawa ko nung dati?
Agent Alegre: At bakit mo biglang tinanong yan?
Juan: Kailangan ko lang ng sagot.
Agent Alegre: Hindi ba dapat ako ng nagtatanong ng mga tanong dito?
Juan: Gusto ko lang naman malaman ang iyong opinyon.
Agent Alegre: Ang kailangan ko
malaman ay kung sinong umutos sayo at paano kayo nagkakilala.
Juan: I invoke my right to stay silent.
Agent Alegre: Aba aba. E di ngayon mo nang gagamitin yang karapatan mo na yan?
Juan: ...
Agent Alegre: Alam mo, nakakatawa ka talaga. Sa lahat ng panahon na pwede kang
makaramdaman ng pagsisisi, ngayon mo pa naramdaman.
Juan: Tao rin ako! Di lang ako superhero. Nararamdaman ko rin ang mga kahirapan
na nararanasan ng mga kapwa ko.
Agent Alegre: … Ano yung naramdaman mo nung pinapatay mo ang mga aswang? Ano
yung naramdaman mo nung pinatay mo mga inosente?!
Juan: Hindi ko masasabi na inosente
ang mga pinatay ko. Lahat ng pinatay ko ay nakadulot ng kasamaan sa lipunan! … Or
at least, yun yung akala ko.
Agent Alegre: Sino ba yung nag-utos sayo pumatay sa mga aswang?
Juan: Ano ba ang pake mo doon?! Kung gusto niyo na ako arestuhin,
gawin niyo na! Bakit pa ba tayo nandito kung tatanongin mo pa ako kung inosente
ako o hindi? Bakit mo pa ako tatanongin kung sino nag-utos sa akin? Inaamin ko
na, ako ang pumatay kay Karla Alegre!
Agent Alegre: …Tama ka.
Juan: Tama ako?
Agent Alegre: Tama ka. Kanina. Hindi totoo ang mga alegasyon.
Juan: Tch.
Agent Alegre: Inutusan lang kami ng mga higher ups para hanapin ko at hulihin
ka. Totoo nagpasa ng mga charges yung ARA, pero hanggang ngayon pending pa rin
siya.
Juan: I invoke my right to remain silent.
Agent Alegre: Hindi ko alam kung napansin mo na ba o hindi, pero lahat ng
karapatan mo sa puntong ito ay wala na. Wala ka nang mapagtataguan.
Juan: …
Agent Alegre: Hmm… May isa akong proposition.
Juan: Ano naman ngayon?
Agent Alegre: May impormasyon kasi na hindi sinabi sa amin ng mga higher ups
tungkol sayo, at hindi rin kami sigurado kung alam ba talaga nila o hindi.
Ginamit lang kami para umabante ang imbestigasyon sayo at para mahuli ka.
Ngayon na tapos na yun…
Juan: Sabihin mo na.
Agent Alegre: Sabihin mo sa akin kung sino ang nag-uutos sayo para pumatay ng
mga aswang, at gagawin ko lahat ng paraan para makatakas ka sa bansa ng ligtas.
Gagawin ko lahat ng nasa kapangyarihan ko.
Juan: (Juan is stricken and considers to tell
on her boss)…
Ano yung makukuha mo dito sa pagsabi ko sa pangalan niya? Ano mapapala mo? At
paano mo malalaman kung nagsisinungaling ba ako o hindi?
Agent Alegre: (Alegre pulls out a gun and points it
towards Juan) Paunti-unti
na ng paunti ang mga option mo dito Juan Penduko dela Cruz. Katulad ng sabi ko
kanina, sumunod ka lamang sa mga inuutos ko at sagutin mo ng maayos ang mga
katanungan ko, mabilis tayo makakaalis dito. (Alegre keeps the gun pointed at Juan)
Juan: Sige na, ito na! (Juan
contemplates further on whether or not to tell on her boss, but nevertheless
she is pressured in her current situation) … Isa lang hinihingi ko. Pag
tinanong ka kung saan mo ito nalaman, wag mo sabihin na sa akin galing yung
impormasyon. Deal?
Agent Alegre: (Alegre puts down the gun) Deal. Ngayon, sino ang nag-utos sayo?
Juan: Ang presidente.
Agent Alegre: (Points the gun once more to Juan) Niloloko mo ba ako dito? Ano tingin mo
sa akin? Di pa ba nagssink-in sayo na hawak-hawak ko ang buhay mo ngayon?
Juan: Hindi ako nagsisinungaling! Parang-awa niyo na!…
Agent Alegre: … Totoo ito?
Juan: Oo
Agent Alegre: Yun yung dahila kaya ayaw niya magpakilala bilang isang taga-suporta
sa ating superhero na si Juan Penduko de la Cruz?
Juan: Yun yung dahilan.
Agent Alegre: (Puts down the gun) Hmm. Congratulations. Isang hakbang ka
nalang papunta sa kalayaan mo.
Juan: Nakakainis kayo mga taga-gobyerno. Wala talaga kayong pake sa
totoong kalagayan ng bansa natin.
Agent Alegre: Hahahahaha. Di naman ako kumokronta sa pinagsasabi mo. Sirang
sira na ang gobyernong ito.
Juan:
Pwede mo na ba akong palayain, Agent Kian?
Agent Alegre: Isang huling tanong.
Juan: Ano naman ngayon?
Agent Alegre: Pwede mo ba sa akin ikwento yung nangyari tungkol kay Karla
Alegre? Yung alegasyon sayo na hindi pa pinapasa?
Juan:
[FLASHBACK STARTS]
Bossing Voiceover: Alalahanin mo, yan ang lider ng mga aswang.
Karla: Maraming salamat at nakiag-kita ka sa akin ngayong araw. Gusto
ko lang naman kausapin ka tungkol sa tunay na kapayapaan sa ating mga lahi.
Juan: Ah… Oo. Walang anuman.
(Fast forward sound)
Sige po Ms. Alegre ihahatid na po kita.
Karla: Ah sige, salamat. Inaasahan ka namin na sana ay mapakinggan mo
rin ang panig namin.
Juan/Juan: Superhero ata to. Mapakikinggan kayo ng gobyerno, masisigurado
ko ito.
(Fast forward sound. Scene on stage left is Karla trying to
staunch the bleeding on her stomach)
Karla: Hindi mo kami mapipigilan… lalaban kami… Sa lahat ng batang
tinanggalan mo ng magulang… Sa lahat ng namumuhay ng tahimik… hindi na kami…
kumakain ng tao… matagal na… sinabi ko yan sayo… pero… pero… pinili mo pa rin
to… Mga tao pa rin… kami…Tapusin mo na ang paghihirap ko…
[FLASHBACK
END]
Juan: Doon ka na-realize na hindi na talaga tama ang pinaggagawa ko.
Sinubukan ko tumakas, ibahin pangalan ko, at lumipad papuntang ibang bansa para
di na ako mahanap ng gobyernong ito. Pero… (Agent Alegre has turned into a half
shifted aswang) T-teka! S-sino ka ba talaga??
Agent Alegre: Nagulat ka ba, superhero? …Kian/Kiana. Alegre. Kapatid ni Karla
Alegre. Ang inakalang “mamamatay-tao” na lider ng ARA. Isang aswang.
Alam mo di lahat sa amin ay may kaya
makapag-transform upang maging itsura ng simpleng tao katulad naming ng kapatid
ko. Hindi lahat maykaya makapagsalita ng maayos ng linggwahe niyong mga tao, at
hindi lahat may kayang indahin ang gutom ng kumakalam na tiyan dahil di pa sila
nakakakain ng isang linggo. Paano ba naman. Kahit saan kami pumunta, kahit sa
sarili naming teritoryo na inilaad ng gobyerno, hindi kami tinatanggap ng mga
taumbayan. Hindi kami iniintindi. Pwes, yung mga tao pa ang sumusubok na sirain
ang teritoryo namin. Kahit simpleng pagkain lamang, kahit karne ng baboy o
kahit anuman hindi kami makabili ng basta-basta dahil walang gustong magbigay
sa amin ng trabaho kasi daw aswang kami. At kahit makabili man kami ng pagkain,
na pinaghirapan pag-ipunan, papatayin lang naman pala kami. Bakit? Kasi ang
alam ng mga tao ay tao ang kinakain namin? Kasi hindi naman talaga nila alam
ang pinagdadaanan namin kaya madali sa kanila ang manghusga? Ikumpara mo,
superhero. Ilan na ang napatay mong kapwa ko, at ilan na ang napatay naming
aswang at sa loob ng taong to… Kung sino pa ang superhero, siya pa ang
mamamatay tao. Ngayon… pagbabayaran mo na lahat ng kasalanan mo.
Juan: Teka! Wag! Maawa ka sa akin! Parang-awa mo na. Patakasin mo na ako!
Paalisin mo na ako sa bansa at hindi na ako magiging pahamak sa inyo!
[Lights Out]
AHH AHHH AHHHHHHHH
[LIGHTS THROB BETWEEN DARKNESS AND RED]
Agent Alegre: Ang presidente ng bansang ito… (Alegre proceeds to taste the blood of Juan) Ate, pagpasensyahan mo
na ako. Alam kong hindi mo hahayaan ang mga ginagawa ko ngayon. Pero hindi ako
titigil hanggang hindi natin nakakamit ang karpatan natin bilang mga tao rin
tayo.
End.
Comments
Post a Comment