Kioko

 

Poster by Amber Salcedo


Written by

Eir Diaz

Czareen Dioquino

Rhia Garcia

Erica Miranda

CHARACTERS

SANDRA ORTEGA 34, single mother, Owns an online baking business. Does not think highly of her parents, but tries her best tobe a good mother.

ELLIE ORTEGA 18, SANDRA's daughter. She died from an incurable disease. She's mature yet

fun-loving. She hopes her mother will will let her go.

LYDIA ORTEGA SANDRA's mother. She has not spoken to her daughter after throwing her out

upon learning about her daughter's pregnancy. She's trying to make amends.

TWILIGHT KIOKO's AI Representative. He seems a little to life-like for an AI.


LIGHTS OFF

YOU CAN HEAR THE BEEPING OF A HEART MACHINE

SANDRA

(off-screen)

Sabi nila, lahat ng bagay may rason.

SANDRA

(off-screen)

Wala raw nag tatagal sa mundo.

SANDRA 

(off-screen)

Hindi ko alam kung gusto ko ba maniwala roon.

SANDRA

(off-screen)

Sana mas-maaga akong naniwala

SANDRA

(off-screen)

Baka may nagawa pa sana ako.

SFX: FLAT LINE

ACT 1

INT. 

It is dark and raining. The room seems to be in a disarray, as if it hasn’t been lived in nor fixed in months. On the table, a computer sits, a cup of water is on the side, its glass moist. The only sound you can hear is the rain outside.

SANDRA walks into the room holding her dead daughter’s photo. She looks at the photo lovingly.

The silence and darkness in the room was broken by a cellphone call. SANDRA looks at her phone and notices an unknown number. She doesn’t pick up. The phone rings again and this time, SANDRA answers. 

LYDIA

SANDRA?

SANDRA

...

LYDIA

SANDRA, alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero anak-

SANDRA

Bat ka tumawag?

LYDIA

Anak, gusto ko lang naman-

SANDRA

Ano kailangan mo sa akin?

LYDIA

Anak... Alam ko pinagdadaanan mo...

SANDRA

Alam MO ang pinagdadaanan ko? Alam mo ang pakiramdam na mawalan ng anak?

LYDIA

Alam mong hindi yan ang ibig kong sabihin...

SANDRA

Eh ano ibig mo sabihin?

LYDIA

...

SANDRA

Tipikal. Wala ka masabi.

LYDIA

SANDRA, ilang taon na ba ang lumipas? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?

SANDRA

Mapapatawad? Itinaboy ninyo ako nung mga panahon na pinaka-kailangan ko kayo. 

Beat.

SANDRA

Ano to? Mangangamusta kayo para malaman ninyo na nagdurusa ako? Na tama kayo ni papa na hindi ako mabuting ina at namatayan ako ng anak?!

LYDIA

SANDRA, alam mong hindi yan totoo. Mahal ka namin ng-

SANDRA

Ha! Bat ngayon ka lang tumawag? Ilang taon ko kayo tinry kontakin. Ni isang beses di ninyo ako pinansin.

LYDIA

Nagkamali kami.

SANDRA

Buti alam mo.

LYDIA

(Sighs)

Nangangamusta lang talaga ako sayo...

SANDRA

Ano gusto mo marinig? Na okay lang ako? 

LYDIA

Hindi yun ang-

SANDRA

Na mabuti na at namatay na siya para hindi na tumagal pa ang pagdurusa niya?

LYDIA

Makakatulong sayo na tanggapin mo na wala na siya.

SANDRA

Kasi diba yun naman ang solusyon ninyo sa lahat ng bagay? Na pag may problema, tanggalin na lang- ipagtabuyan na lang kesa ipaglaban.

LYDIA

Alam ko naman na hindi madali, SANDRA...

SANDRA

Alam mo palang hindi madali pero andito ka pa rin para pagsabihan ako ng dapat kong gawin? Wow. Asan ka nun?

LYDIA

Ano?

SANDRA

Asan ka nun nung halos sa ospital na kami nakatira? Nung nahihirapan siya kahit sa pagmulat lang ng kanyang mga mata. Nakita mo ba siyang ngumiti kahit nilalabanan niya yung sakit? Andun ka ba?

LYDIA

...

SANDRA

Wala ka masagot kasi alam mo wala ka dun. 

(sighs)

Sorry. Ang daming nangyayari ngayon, sumasabay ka pa... 

LYDIA

Patawarin mo kami anak... Oo madami kaming pagkakamali ng papa mo pero lahat ng nagawa namin ay nakaraan na. Kalimutan na natin yun kasi narito na kami ngayon.

SANDRA

(scoffs)

Tama ka. Hindi to tungkol sa nakaraan. tungkol ito sa ngayon kasi may isang bagay na sigurado ako. Hinding-hindi ako magiging katulad mo. Hindi ako pabayang ina.

LYDIA

Sumorobra ka na, SANDRA

SANDRA

Kung ako sumosobra, ikaw, nagkulang ka. 

LYDIA

Ano ba gusto mo gawin ko, SANDRA? Ibalik ang panahon? Sinusubukan kong hingin ang tawad mo pero laban ka ng laban! Gamitin mo naman ang utak mo. Hindi mo na mababalik ang anak mo. Patay na si Ellie!

SANDRA

Wag mo banggitin pangalan niya.

LYDIA

Wala na tayong magagawa tungkol sa anak mo, pero tayo, meron pa tayong  pagkakataon na magka-ayos. Mag-usap.

SANDRA

...

LYDIA

Yun ang gugustuhin ni Ellie.

SANDRA

SABI KO WAG MO BANGGITIN PANGALAN NIYA! WALA KANG KARAPATAN!

LYDIA

(shocked)

SANDRA

Wala kang alam... Andito pa siya. Nararamdaman ko pa siya,

LYDIA

(natatakot)

Ano nangyayari sayo, anak?

SANDRA

Meron pa akong pagkakataong makapagusap sa kanya. Kahit saglit lang. Alam ko may makakatulong sa akin.

LYDIA

Hayaan mong ayusin ko ang mga pagkakamali namin sayo. Hindi espiritista ang tutulong sayo. Kami na pamilya mo at ang Panginoon ang kailangan mo.

SANDRA

...

LYDIA

Alam kong masakit. Pero kung ano man ang balak mong gawin, isipin mo naman kung makakabuti ito sayo, makakabuti kay Ellie.

SANDRA

Anong alam mo sa sakit na mawalan ng anak?

LYDIA

Alam ko ang sakit kasi nagkamali ako at inabandona kita! Nawala ko ang kaisa-isa kong anak sa takot ko na mahusgahan ako. Tinatanggap ko na naging makasarili ako pero yang mga maling desisyon mo, huwag na huwag mo sa akin ma bintang-bintang!

SANDRA

(shocked to be hearing this from her mother)

Tama ka. Akin lang ang mga pagkakamali ko. Sinubukan ko talaga nun. Pero kung pagkaka-ayos natin ang gusto mo, medyo huli na ata para dun.

SANDRA

Pagod na ako. Ayaw ko na makipag away. Salamat sa lahat, mama.

SANDRA ends the call. The website will flash a bright white light and the word KIOKO will appear. 

Enter TWILIGHT.

TWILIGHT

Hello! Welcome to KIOKO: a place where you can connect with your departed loved ones in real time. I am TWILIGHT. For more information on KIOKO, say info. To avail our services, say avail service.

SANDRA

Info.

TWILIGHT

According to various myths and beliefs, human souls stay in our world for forty days before going to another realm. We found the scientific explanation for this. Human souls contain electromagnetic waves that are emitted once the physical body starts the process of decomposition. These electromagnetic waves can be detected by our state of the art machines called “KIOKO Ewhich transmit signals through the internet so that you may be able to reconnect with your loved ones. However, since we are still in EARLY ACCESS, KIOKO can only detect these electromagnetic waves for 10 minutes. For the right and reasonable price, we assure you that we offer only the most cutting edge technology and best quality to connect with your loved ones. Would you like to avail this once in a life time service? Say ‘YES if you agree and ‘NO if you wish to terminate this call.

SANDRA

Totoo kaya to?

SANDRA looks at ELLIE’s photo.

SANDRA

Ten minutes... Sige. Yes.

TWILIGHT

Thank you for showing your interest in KIOKO. Please enter your payment details.

SANDRA

(shocked)

Ang mahal...

SANDRA shakes her head no.

SANDRA

Kahit ano para kay Ellie.

SANDRA types in her payment details.

TWILIGHT

Please state the name and your relationship to the departed loved one so that we may streamline the reconnection process.

SANDRA

Elizabeth Ortega... Ellie. Anak ko.

TWILIGHT

Affirmative. That is E-L-I-Z-A-B-E-T-H O-R-T-E-G-A or E-L-L-I-E for short. Please give us a moment to retrieve 

(pause)

ELLIE. We will get back to you in a few moments. Thank you for trusting KIOKO.

The screen starts loading. SANDRA stares at the screen trying to decipher what she just did. In a stroke of enlightenment, she rushes to fix herself so that she doesn’t look as miserable as she feels.

The screen flashes with:

“ELLIE is ready to see you now. 

Sandra calms herself down, still a bit emotional from the confrontation with her mother and the excitement of being able to see her daughter one last time. She takes a deep breath and holds it in. She clicks on “ENTER 

ELLIE fills the screen. She smiles softly as if there is nothing wrong with the world. She wears her favorite dress.

ELLIE

Hi, Mama.

SANDRA

Sandra stares, speechless. It takes her around 10-20 seconds to realize that this is all real.

SANDRA

E-ELLIE? Ikaw ba talaga yan?

ELLIE

May iba pa po bang ako? Ako po talaga ito. Kamusta po kayo, mama?

SANDRA

(laughs)

Ikaw talagang bata ka! Okay naman ako... 

(tries to change the subject)

E-Eh ikaw? Kamusta ka? Maganda ba diyan kung nasaan ka? Okay ka lang ba? May masakit pa rin ba sayo?

ELLIE

Wag niyo na po ako alalahanin. Okay lang po ako. Maginhawa po rito, mama.

The screen glitches and emotions seep into the perpetually smiling face of ELLIE. It’s gone as fast as it happened.

SANDRA

Mabuti naman... Nag-aalala lang kasi ako kung anong mangyayari kapag...

ELLIE

Kapag ano po, Mama?

SANDRA

Kapag wala ka na sa tabi ko.

ELLIE

(confused)

Andito lang naman po ako parati sa tabi ninyo. Heto nga po ako ngayon eh. Wag na po kayong umiyak. Dapat palagi lang kayong masaya, mama.

SANDRA

Eto na nga oh! Pinipigilan ko na luha ko kasi ayaw kong isipin mong malungkot ako.

ELLIE

Baka magka-wrinkles pa kayo niyan, mama.

SANDRA

Ayaw ko pa man din tumanda agad. 

ELLIE

Kahit naman po tumanda kayo, maganda pa rin kayo, mama. 

SANDRA

Hanggang dito ba naman, binobola mo pa rin ako?

ELLIE

Sinasabi ko lang naman po ang totoo. At... Ang gusto ko po sana ay mapasaya ko kayo, mama.

SANDRA

Lagi mo naman akong napapasaya. 

ELLIE

Talaga ba, mama?

SANDRA

Oo naman. Gusto mo ilista ko pa eh! Eto, eto, nung ipinagbubuntis kita. Yung unang sabi mo ng mama. Nung iniyayabang mo yung stars mo mula kay teacher.

ELLIE

Grabe naman, hindi ko naman po yung niyayabang sa inyo, mama!

SANDRA

Hindi pa talaga? Sabi mo nun “Ma, ma, magaling ako kasi may star ako! E

ELLIE

Yun ba yung sinabi ko nun, mama?

SANDRA

Oo! Ang taba taba mo pa nun sarap mo kagatin!

ELLIE

Bakit niyo po ako kakagatin? Eh diba aso lang naman nangangagat, mama?

SANDRA

Ang kulit kulit talaga ng isipan mo kahit kailan!

ELLIE

(genuinely)

Sorry po kung makulit ako.

SANDRA

Bakit ka nagsosorry? Tinatawanan mo lang naman dati pag inaasar kita na ganun.

ELLIE

Talaga po ba? Baka hindi ko na lang po maalala, mama.

SANDRA

Oo. At saka, lahat naman ng kakulitan mo nun, lahat yun magagandang alaala para sa akin. 

ELLIE

Sa akin rin po, mama.

SANDRA

Alam mo, hindi ko ata nasabi sayo nun pero ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, anak. Marami akong mga maling desisyon pero ikaw ang kaisa-isang tama na nagawa ko.

ELLIE

Hindi ko po alam ang sasabihin ko, mama.

SANDRA

(shakes head no)

Wala kang kailangan sabihin. Natakot lang ako nun na baka hindi ako sapat para maging ina mo kasi bata pa lang rin ako nung ipinanganak ka. Pero habang pinapanood kitang lumalaki ng masaya’t masigla, napapanatag ako na kaya kong itama mga pagkakamali ko.

ELLIE glitches and frowns

ELLIE

Nagsisisi ka ba na... naging anak mo ako, ma?

ELLIE glitches back to smiling

SANDRA

Ano bang tanong yan anak... siyempre hindi. Lahat ng mga nagawa ko para sayo, wala akong pinagsisisihan... Kung mayroon man siguro dahil hindi ko nabigay sayo ang buhay na nararapat sayo.

ELLIE

Pero masaya naman po ako na ikaw ang naging mama ko.

SANDRA

Hindi mo kailangan pagaanin ang kalooban ni mama.

ELLIE

(shakes her head no)

Wala na po akong ginustong iba pa. Masaya ako na magkasama tayo palagi. Kontento na po ako sa buhay na aking nabuhay.

SANDRA

Sorry anak...

ELLIE

Wag ka po magsorry, mama.

SANDRA

Kailangan ko mag-sorry kasi kung sana mas nagsumikap ako o sana kinain ko ang pride ko at nagmakaawa kina lolo at lola mo sana buhay ka pa.

ELLIE

Paano naman po yung pag-aalaga ninyo sa akin? Yung mga cake na ginawa natin? Yung busy ka pero lagi mo akong ginagawan ng panahon para may magsabit sa akin ng medal. Yung pagpupuuat ninyo sa akin kasi di ako makatulog sa gabi... Hindi pa po ba sapat yun, mama?

SANDRA

Lahat nang yun ay nagdaan na anak. Ang gusto ko lang ay bumalik ka. Mawala ang sakit mo at maging masaya ka. 

ELLIE

Para po ba talaga sa kasiyahan ko o sa kapayapaan ng isipan mo? 

SANDRA

Sandra looks away in shame

ELLIE

Naaalala niyo po ba, napagusapan na natin to dati, mama.

SANDRA

ELLIE, wag...

ELLIE

Kung nakalimutan niyo po... ipapaalal ko na lang po ulit. Okay na po ako, mama. Nabuhay po ako. At patuloy akong mabubuhay sa alaala ninyo. Kontento na po ako roon, mama.

SANDRA

Pero ang dami kong hindi nagawa para sa iyo.

ELLIE

Hindi mo pinaramdam sa akin na may kulang kahit tayong dalawa lang.

SANDRA

(tries to ligthen up the mood)

Akala ko ba ayaw mong nakikitang umiiyak ako? Ikaw pala ang magpapaiyak sa akin ng ganito.

ELLIE

Sorry po mama.

SANDRA

Ikaw naman! Alam mo namang biro lang yun at... mababaw lang talaga ang luha ko.

ELLIE

(glitches out of AI)

Talaga ba, ma? Parang hindi naman po masyado. Di nga kayo napapaiyak ng mga Kdrama eh humahagulgol na ako minsan!

SANDRA

(shocked by the sudden energy from ELLIE)

Hindi naman kasi talaga nakakaiyak ang mga Kdrama.

ELLIE

Isa kang monster, ma!

SANDRA

Siguro nga. Ang ibig  ko lang sabihin ay mababaw luha ko pagdating sayo.

ELLIE

Parang nung nadapa ako? Mas umiyak ka pa kesa sa akin?

SANDRA

Hoy! Paano ba naman na hindi ako iiyak eh duguan tuhod mo! 

ELLIE

O pag nagsasabi ako ng I love you sayo naiiyak ka rin nun eh! Tama ba yun? Iiyak kasi mahal ka? 

Bebelat si ELLIE

SANDRA

Ikaw talagang batang ka kukurutin kita kung- kung buhay ka pa!

ELLIE

Hala maaaa~

SANDRA

Pero seryoso ako nung sinabi ko na ikaw lang ang nagpapaiyak sa saya sa akin ng ganito. Lalo na pag sinasabihan mo ako na proud ka sa akin eh dapat ako ang mas proud sayo? Ang anak ko, isang masipag na magaaral, matulunging assistant baker, at... napaka pasensyosa kahit na nakakaranas tayo ng hirap. 

ELLIE

Mana ata ako sa mama ko!

SANDRA

Ang cute mo talaga anak. Napaka-swerte ko talaga sayo. Lahat na ng pagmamahal at kasiyahan binigay mo na sa akin. ikaw yung pinaghuhugutan ko ng lakas para bumangon araw-araw.

ELLIE

Sa isa’t isa lang naman po kasi tayo humuhugot ng lakas ng loob.

SANDRA

Kaya... Kaya hindi ko alam paano ako... paano ako mamaya pag... pag...

ELLIE

Ma...

SANDRA

Bukas pagbangon ko, wala na akong kasama mag-almusal o mananghalian o maghapunan...

ELLIE

Sinigang, ma.

SANDRA

(laugh cry)

Ano?

ELLIE

Magluto ka ng sinigang! Ang  pinaka-best niyong lutong ulam para ma-feel ninyo na parang lagi lang akong nasa tabi ninyong kumakain.

SANDRA

Mamimiss mo ba luto ko?

ELLIE glitches back into her perpetually smiling face. The screen flashes 60 seconds left. 

SANDRA

Teka lang! Teka lang bakit parang ang bilis nanan yata nito? Diyan ka lang anak, hindi pa tayo tapos ha? ELLIE, anak mag-uusap pa tayo, please. 

ELLIE

(confused)

Mama?

SANDRA

Dito ka muna, wag mo munang iwan si Mama, ha? Asan na ba yung mga pindutan dito?

ELLIE

Di naman po ako aalis, mama.

Sandra tries to press random buttons in the hopes that the time would extend. The screen shows 45 seconds left.

SANDRA

Sandali! Sandali lang! Wag ka muna umalis! Wag muna anak, hindi pa kaya ni mama.

ELLIE

Pero parati po akong nasatabi niyo, nandito lang po ako, mama.

SANDRA

Hindi ko kayang gumising sa umaga at kumain nang magisa.

ELLIE

Magiging okay po ang lahat, mama.

SANDRA

Hindi ko kayang matulog nang hindi ka katabi. Ellie! Ayaw ko na sa litrato lang makita. Ayaw ko... ayaw ko... 

ELLIE

Magiging okay po ang lahat, mama.

SANDRA

Parang awa mo na dito na muna sa tabi ko. Lahat gagawin ko, wag ka munang mawala anak,

Screen flashes 30 seconds left

SANDRA

Anak, tandaan mo, mahal na mahal ka ni mama, ha? Kahit makalimutan ka na ng lahat, ako hindi. Gusto na kitang makita ulit.

10 seconds left

SANDRA

Gusto kitang mayakap ulit.

9 seconds left

SANDRA

Gusto kitang mahalikan  ulit

8 seconds left

SANDRA

Ellie, anak ko...

7 seconds left

ELLIE

Masaya ako at ikaw ang naging mama ko.

3 seconds left

ELLIE

Mahal na mahal kita

2 seconds left

ELLIE

Salamat sa lahat, mama.

1 second left

SANDRA

ELLIE, saglit-

The screen will black out and TWILIGHT will appear

TWILIGHT

Thank you for using KIOKO. We hope that we were able to give you an experience that you will never forget. We hope you loved it! If you do, please consider posting a review on our page. We are KIOKO, a place where you connect with your departed loved ones in real time. Experience real connections. Experience KIOKO.

Sandra continues to cry. She did not feel like she had closure.

FADE OUT.

END

A one-act play I wrote in 2020 in collaboration with Erika Michelle Miranda, Czareen Dioquino, and Rhia Garcia

Comments

Popular posts from this blog

Sample Press Kit from Lean: A Filipino Musical by UP Manila Dramatista

Growing Up Fat in the Philippines

Ferweh